banner

Tulong, bumuhos sa selebrasyon ng Araw ng Orani

Written by
  • Arlyn B.
  • 5 years ago

ORANI,Bataan – Halos hindi mabilang ang tulong na “in cash” at “in kind” na animo’y ulan na bumuhos nang walang patid sa mga taga-Orani mula sa iba’t ibang ahensya ng Pamahalaang Nasyonal at pribadong organisasyon na itinaon sa unang araw sa ika-120 taong pagdiriwang ng Araw ng Orani.

Nanguna na rito ang pagbibigay ng 18 motorized banca sa mga mangingisda mula sa Bottom-up Budgeting (BuB) na dumaan sa Department of Agriculture na siyang nag-screen at nag-identify sa mga beneficiaries.

Sumunod dito ang pagbibigay ng livelihood projects mula pa rin sa BuB ng national government, kung saan limang (5) organisasyon ang naging benepisaryo na nabigyan ng tig P400,000.00

Nanguna ang samahan ng senior citizens ng Orani sa limang organisasyon na tumanggap ng nasabing halaga. Ito ay para sa kanilang proyekto na grocery at bigasan. Kasama rin ang Orani Organic Farmers; Small Fishermen ng barangay Palihan; Solo Parents Organization at ang Orani Vendors Association.

Maging ang mga taong may kapansanan ay hindi kinaligtaan na mabigyan ng tulong ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pangunguna ni PSWDO Marilyn Tigas. Umabot sa 47 mobility devices tulad ng wheelchairs, crutches at canes (tungkod) “para sa maayos at maalwang pagkilos ng ating mga kababayang may kapansanan”, sambit ni Tigas.

Sinabi naman ni Mayor Pascual na ang 42 footer container van na naglalaman ng libu-libong aklat para sa mga mag-aaral sa elementarya at highschool ay ipamamahagi sa buong Oani sa pangunguna ni DepEd District Supervisor Francisco Bautista.

Article Tags:
·
Article Categories:
Municipalities · News

Comments are closed.

Shares