banner

Tulong sa mga nasalanta ng bagyo, patuloy

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Dahil sa malaking pinsala sa mga pananim at pangisdaan dulot ng nakaraang bagyong Josie na sinabayan pa ng tuloy tuloy na malakas na buhos ng ulan dala ng habagat, patuloy ang pamahalaang lokal sa pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta.

Sa katunayan, pinahahanda na ni City Mayor Francis Garcia sa City Agriculture Office ang muling pamamahagi ng mga binhi ng palay, buto ng mais at gulay para sa mga magsasaka.

Inatasan na rin ni MayorGarcia ang tanggapan ng Engineers Office para pagsasaayos ng mga dam sa mga Barangay ng Cupang Proper, Dangcol at Cataning.

Ayon kay City Agriculturist Nerrisa Mateo kamakailan ay namahagi na ang kanilang tanggapan ng mga buto ng gulay at mais sa mga magsasaka sa Barangay Cabog-Cabog, Tanato at Dangcol.

Idinagdag pa ni G. Ronie Lopez, Farm Technician, na nitong ika-3 ng Agosto, ipinatawag nila ang lahat ng mag lider ng mga magsasaka at mangingisda, upang maipaliwanag ang mga requirements at guidelines hinggil sa Sure Loan Program, kung saan makakautang ang mga mangingisda at magsasaka ng tig dadalawamput limang libong piso (P25,000) para makapag simula muli ng kanilang kabuhayan.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares