EducationNews

Tuloy ang edukasyong may aksyon at malasakit

0

Ito ang naging tema ng nakaraang pagpupulong ng DepEd, Samal LGU, Sangguniang Bayan at mga magulang upang magkaroon ng mabilisang tugon sa pinakakailangan ng mga guro upang maihatid ang kaalaman sa bawat tahanan sa mga mag-aaral. Ayon kay Mayor Aida Macalinao, “hindi man tayo kasing yaman ng ibang bayan upang magkaloob ng mga kagamitan sa ating mga mag-aaral ay sinisiguro kong mapagdudugtong natin ang pagitan ng edukasyon mula sa paaralan patungo sa bawat tahanan.”

Sa ngayon, ayon pa sa masipag na punong bayan, pinag-aaralan na at isinasaayos ang mga pangangailangan sa bawat barangay, paaralan ng mga school heads, guro at magulang na pangunahing magsisilbing paa upang makahakbang ang ating mga kabataang mag-aaral. Isinasaayos na kung papaano magkakaroon ng digital duplicator internet connectivity sa mga paaralan maging sa mga barangay, mga laptop para sa mga school heads, service vehicle para sa homevisits ng mga guro, service vehicle for weekly meet-ups ng magulang at brigada eskwela para sa mga pangangailangan ng paaralan, guro at mga mag aaral tulad ng school supplies, alcohol at vitamins.

Balanga fetes farmers

Previous article

Health and welfare of Bataenos, top priority of PGB

Next article

You may also like

Comments

Comments are closed.

More in Education