banner

Umiwas sa scam

Written by
  • Zeny S.
  • 5 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Ito ang panawagan ngayon ni Gov. Abet Garcia matapos malaman ang sinasabing mga nagsusulputang “scam” partikular na sa Freeport Authority of Bataan (FAB).
Ayon sa magiting na Gobernador, maging mulat umano ang mga tao na iwasan ang scam na kumakalat sa ngayon, gayundin nilinaw niya na walang kinalaman at hindi gawain ng Freeport Authority of Bataan ang manloko ng kapuwa.
Nauna nang itinanggi ni Chairman Emy Pineda ang nasabing alegasyon, na ayon pa kay Gov. Garcia ay hindi maaaring gawin ng FAB dahil sa kanilang striktong proseso na ayon pa sa kanya na sana naman daw ay ikalat ang totoong impormasyon na walang kinalaman ang FAB sa ganitong gawain.
Matatandaang maraming mamamayan at mga negosyante sa bayan ng Mariveles ang nabiktima ng nasabing scam na kung saan ayon pa sa mga biktima ay nahikayat sila ng nagpanggap na kontraktor na “sumali” at isosyo ang kanilang pera sa umano’y negosyo na malalaking kontrata na makukuha sa FAB at sila bilang kasosyo ay kikita nang malaki.
Umabot sa 20 milyong piso ang natangay ng nagpanggap na kontraktor, na nangakong makakakuha ng mga big time contract sa FAB, na ayon sa report ay nagtatago na.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares