banner

“Unahin muna natin sina Kuya at sina Ate” – Gov. Abet Garcia

Written by
  • Zeny S.
  • 2 years ago

Sa ginanap na turnover ng mga tablets na ipamamahagi sa mga Senior High School students sa Lalawigan, sinabi ni Gob. Abet Garcia na may maayos na panuntunan at sistema na susundin ang mga guro, magulang at mag-aaral sa paggamit nito Dapat umanong mapangalagaan at mapakinabangan nang matagal ang device na ipinagkaloob sa kanila, na isa umanong sukatan sa tagumpay ng programang ito.

Ayon pa kay Gob. Garcia nakasalalay sa tagumpay ng batch na ito ang pagpapalawak ng nasabing programa sa ibang antas hanggang sa lahat ay mabigyan. Sa ngayon ay hindi pa umano kakayanin ng budget na lahat ay mabigyan kung kaya’t “uunahin muna natin sina kuya at ate” bago sina sangko, dite at bunso.
Sinabi din ni Gob. Abet na uploaded na sa device ang ginagamit na Learning Management System ng DepEd pati mga lessons sa kanilang online classes. Dahil dito, hindi na kinakailangang mag-face to face classes ang mga guro at estudyante, maiiwasan ang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 at malaking katipiran din umano ito sa DepEd dahil ito na ang kapalit ng print out materials.

Ipinaliwanag naman ni Deped-Bataan OIC Schools Division Superintendent, Roland Fronda na
ang life span ng tablet ay 3 years lamang subali’t higit pa rito, ang resulta na nais nilang makita bagama’t matagal ay ang panahon ng preparasyon ng mga estudyante na matapos nilang mag aral, gamit ang tablet at mga skills na natutunan ay magiging instrument nila ito sa nais nilang marating na tagumpay.

Article Tags:
·
Article Categories:
Education · News

Leave a Reply

Shares