banner

Unang araw ng paggawa sa 2023 para sa kalusugan

Written by
  • Zeny S.
  • 9 months ago

Ito ang pambungad na mensahe ni Mayor AJ Concepcion sa unang araw ng paggawa ng mga kawani at opisyal ng bayan ng Mariveles, kung saan dalawang Memorandum of Agreement (MOA) na nakasentro sa kalusugan ang kaagad niyang nilagdaan.

Una na rito ang pagkakaroon ng health station facility ng mga katutubo, pangalawa ang pagkakaroon ng bagong ambulansya.

Ayon kay Mayor AJ Concepcion, nag donate ng gusali bilang health station ang San Miguel Corporation para sa may 300 katutubo sa Brgy Biaan, at upang matulungan ang mga katutubo sa pamamahala sa nasabing health station, nakasaad sa MOA na ang yunit pamahalaang lokal (LGU) ng Mariveles ang mag o-operate sa pamamagitan ng Municipal Health Office (MHO).

Sasanayin din ang ilang katutubo na matuto ng mga gawain dito.

Ayon pa rin sa masipag na Punong Bayan, ang pagkakaroon ng bagong ambulansya ay sa kagandahang loob ng Brgy. Batangas Dos sa pamumuno ni Punong Barangay Jun Villapando.

Nakasaad sa MOA na ang nasabing ambulansya ay nasa ilalim ng pangangalaga at pamamahala ng LGU kung kaya’t ito ay maaaring gamitin ng lahat ng mga mamamayan ng Mariveles sa oras ng pangangailangan.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares