Humigit-kumulang sa 400 indibidwal mula sa iba’t ibang sektor ang dumalo sa unang Central Luzon Sustainable Tourism Summit na idinaos sa Subic Bay Exhibition and Convention Center. Ito ay proyekto ng Subic Bay Metropolitan Authority Tourism Department, sa pakikipagtulungan ng Department of Tourism (DOT) at Tourism Promotions Board.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni DOT Regional Director Richard Daenos na ang pagiging wastong turista ay isang pangako. “Ang Sustenableng Turismo ay hindi na lamang konsepto kundi isang pangako na ating ginagawa para sa kalikasan, ating mga komunidad, at para sa mga susunod na henerasyon,” aniya. Binigyang-diin pa ni Daenos na ang turismo ay maaaring maging instrumento ng kabutihan kung ito ay makatutulong sa lokal na ekonomiya at magbibigay ng kapangyarihan sa mga tao at sa kalikasan.
Batay sa temang “Praktikal na Paraan Patungo sa Mas Luntiang Pilipinas,” nagbigay daan ang dalawang araw na pagtitipon para sa mga eksperto sa industriya, mga nangungunang isip, at iba pang katuwang upang magkaruon ng diyalogo at magbahagi ng kaalaman ukol sa sustainable tourism.