banner

Unang organic trading post sa Bataan inilunsad

Written by
  • Jonie L. C.
  • 9 years ago

Ayon naman kay Nerissa Mateo, City Agriculturist nagpalabas na ng P1.5 milyon ang Department of Agriculture Region-3 San Fernando, Pampanga upang pondohan ang nasabing proyekto. Ang P1 milyon ay gagamitin sa pagpapatayo ng gusali, ang P300,000 ay inilaan sa pagbili ng mga gamit gaya ng refrigerators, chillers, vacuum, pack sealer at ang P200,000 ay gagawing panimulang pondo ng mga kaanib.

Sinabi din ni Mateo na isang grupo ng mga magsasaka sa Barangay Cataning (Kaanib) ang magsisimulang gumamit ng organic farming. Para makasiguro na masusuportahan ang organic vegetables to the trading post inatasan ni Balanga City Mayor Jose Enrique Garcia lll ang 25 barangay na iugnay sa kani-kanilang barangay ang organic farming methods gayundin sa mga  barangay na mayroon nang vegetable garden.

Ipinahayag pa ng City Agriculturist na ang Lungsod ng Balanga ay naglaan ng  apat na ektaryang  lupain na gagamitan ng organic farming. Ang isang ektarya ay kasalukuyang binubungkal ng mga empleyado ng Lungsod  na pinondohan ng Pamahalaang Panlungsod ng P300,000 samantalang ang tatlong ektarya ay gagawing gulayan ng Kaanib.

Idinagdag pa ni Mateo na ipinagbawal na umano ng Mayor ang paggamit ng chemical fertilizer at pesticide sa apat na ektaryang lupain, habang ang mga barangay na mayroon nang vegetable garden, at iba pang magsasaka ay hinihikayat na lumipat na rin sa organic farming.

Mabibili sa itatayong trading post ang mga punla ng papaya, kalamansi, saging saba, beans, talong, kamatis, okra, kangkong, organic pork meat, bigas at iba pang prutas at gulay.

Kaugnay nito susubukin ngayong season na ito ni Ariel Ladia, isang magsasaka sa Sitio Maluwang, Cupang Proper na gumamit ng organic farming sa kanyang bukirin. 

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares