News

Urban renewal, pinag aaralan na ng pamahalaang panlalawigan

0

Sa nakaraang presscon, nabanggit ni Gob. Abet Garcia na ang “community infection” ng COVID-19 sa bayan ng Mariveles ay dahil na rin sa dami ng mga residente sa lower Mariveles, sumikip ang daan, dumami ang informal settlers, dikit-dikit ang bahay na halos ay dingding na lang ang pagitan kaya talagang pag nagkaroon ng infection, hindi maiiwasan na magkahawa hawa dahil sa set up sa nasabing bayan.

Ayon pa rin sa Gobernador ang nasabing sitwasyon ay inabutan na nating lahat sa loob nang maraming henerasyon na ginagawan naman ng paraan para ayusin pero hindi ito magagawa overnight, malaking halaga ang kakailanganin, malaking pagpaplano at malaking pag aaral pa ang mga dapat gawin upang maisagawa ang tinatawag na urban renewal.

Ayon pa kay Gob. Garcia, matagal na ang mga ginagawang pag aaral sa mga problema sa proper housing, sanitation, township development, maayos na paaralan, maayos na tahanan, na kung saan ilang minuto lang papunta sa trabaho, naglalakad lamang ang mga bata, na safe dahil well-planned ang daan papuntang paaralan. Ito talaga aniya, ang makalulutas sa problema sa edukasyon, kalusugan, kabuhayan, pati na sa katahimikan at kaayusan ng pamayanan.

Sa ngayon, may mga housing developments nang ginagawa tulad ng mga proyekto ng Fiesta Community at iba pang housing projects upang unti-unti ay maging maluwag ang ilang barangay, ang hinihingi lang natin ay pagtutulungan upang maisagawa ang lahat nang ito.

SBMA resumes P122.7-M perimeter fencing and road rehab projects

Previous article

Cong Joet, pinangunahan ang virtual graduation ng Educhild Parenting program

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News