banner

Vice President Robredo, tumulong sa mga taga Abucay

Written by
  • Zeny S.
  • 5 years ago

ABUCAY, Bataan – Hindi umano nagdalawang isip si Vice President Leni Robredo na kaagad ay tumulong sa mga biktima ng kalamidad sa bayan ng Abucay, kahit pa ang humingi ng tulong sa kanya ay si Board Member Dexter aka Teri Onor Dominguez ng Bataan.
Sinabi ni Bokal Teri Onor na sa pamamagitan ng ZONTA Club of Pampanga gayundin sina Ginoong Joel Morante, local political Affairs Officer at Robin Waban, sa tanggapan ni Vice Pres. Leni Robredo, ang siyang nagdala ng may 2, 500 packs ng relief goods na naglalaman ng bigas, de lata at mga damit.
Walong (8) barangay na matitinding tinamaan ng bagyong Josie ang mga nakatanggap ng mga nasabing relief goods na sinimulan sa Brgy Gabon, Salian, Wawa, Calaylayan, Mabatang, Laon, Omboy, Capitangan.
Sa bawat barangay na pinaglalaanan ng relief goods ay ipinaliliwanag ni Bokal Teri Onor na, hindi dapat malungkot ang mga hindi nabigyan sa batch na ito sa dahilang magbabalik sila para sa 2nd wave ng relief distribution sa mga nasabing barangay dahil bukod kay Vice Pres. Robredo ay napakarami umanong nag paabot ng tulong para sa bayan ng Abucay at iba pang bayan sa kanyang distrito tulad ng Rotary Club ng Quezon City, ang mag asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, Senator Manny Pacquiao at iba pang showbiz personalities.

Article Tags:
·
Article Categories:
News · Social Welfare

Comments are closed.

Shares