banner

Wala nang susunod na kasiyahan kung hindi ka susunod sa alituntuning pangkalusugan

Written by
  • 1Bataan .
  • 3 weeks ago

𝗣𝗔𝗡𝗢𝗢𝗥𝗜𝗡: Buhay at kamatayan ang nakasalalay sa pagsunod natin sa mga alituntuning pangkalusugan. Kung gusto nating magkita-kita upang magkasiyahan, alalahaning nananatiling mapanganib ang COVID-19. Umiwas muna sa pisikal na pagdalo o pagdaraos ng hindi esensyal na pagtitipon.

Hinihikayat po na gawing birtual muna ang pagsasagawa ng ganitong pagtitipon na isa sa mga nagiging sanhi ng hawahan. Iwasan po ang pagpunta sa matataong lugar o kaya naman ay manatili na lamang sa loob ng tahanan kung hindi naman mahalaga ang paglabas ng bahay. Pinaaalalahanan rin po ang lahat na kasalukuyan pa ring umiiral ang liquor ban sa ating lalawigan.

Muli, maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa at ibayong pag-iingat po sa ating lahat.

#1Bataan
#COVID19PH
#WeHealAsOne
#BIDAangMayDisiplina
#DisiplinaMuna
#BIDASolusyon

Leave a Reply

Shares