banner

Waste-to-energy plant, itatayo sa Orion

Written by
  • Nerlie L.
  • 9 years ago

   ORION, Bataan –  Hindi lamang problema sa basura ang malulutas kundi malaking tulong din para mapigilan ang napipintong krisis sa enerhiya na posibleng maranasan ng bansa sa mga susunod na taon ng inaasahang pagtatayo ng waste to energy plant project  sa bayang ito gamit ang makabagong teknolohiya ng isang Korean firm.

   Ayon kay Orion town Mayor Antonio “Tonypep” Raymundo,  isinasagawa na ng Korea Environment Corporation (KECO) ang feasibility study para sa nasabing proyekto na itatayo  sa may 11 ektaryang lupain sa Brgy. Daang-Pare kung saan aabot sa $500-million ang ilalaang pondo ng Philippine Recycle Green Energy, Inc.

   Gamit ang Korean technology, ang mga makokolektang tone-toneladang basura kabilang na ang mga plastic  mula sa dumpsite patungo sa planta ay gagawing pellets na magsisilbing fuel para sa operasyon ng power plant na inaasahang maglilikha ng karagdagang 40 megawatts power supply sa lalawigan.

   “Two birds in one shot ito, dahil ‘yung problema natin sa basura at enerhiya, malulutas na, at magbibigay pa ito ng dagdag na trabaho sa ating mga kababayan dito sa Orion,” ani pa Raymundo.

Article Tags:
·
Article Categories:
Environment · News

Comments are closed.

Shares