News

200-bed district hospital, itatayo sa Orani

0

Binisita nitong nagdaang Sabado, ika-10 ng Hulyo, ni Bataan 1st District Representative Geraldine Roman ang pagtatayuan ng panibagong Orani District Hospital.
Ayon kay Rep. Roman, itatayo ito sa loob ng 1Bataan Command Center sa Brgy. Doña, Orani, Bataan.

Kasama ni Rep. Roman sa isinagawang inspeksyon sina Bataan Governor Abet Garcia at Orani Mayor Bondjong Pascual.
Bukod sa nabanggit na proyekto, ayon pa kay Roman, pinag-usapan na rin aniya nila ang iba pang mga plano para sa bayan ng Orani at sa buong lalawigan ng Bataan.

“Asahan niyo pong tuluy-tuloy ang aming pagtutulungan upang masiguro ang kapakanan ng bawat taga-Orani at Bataan. Can’t wait to have a 200-bed capacity district hospital in Orani that would surely make quality healthcare and medical services even more accessible to my kababayan!,” pahayag ni Rep. Roman.

FAB registered enterprise launches global trading platform; calls for global collaboration

Previous article

50 miyembro ng LGBT tumanggap ng ayuda

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News