Iba-ibang gimik sa huling araw ng kampanyahan
SAMAL, Bataan- Iba-ibang pakulo ang nasaksihan nitong Sabado sa Bataan sa huling araw ng kampanyahan ng mga kandidato sa halalan ng barangay na gaganapin sa Lunes.
Sa bawat grupo, hindi nawawala ang umaatungal na tugtugin mula sa isang malaking trak kaya napapaindak hindi lamang ang mga supporters o ilang kandidato kundi pati na ang mga taong nasa gilid ng kalsada.
Makikilala ang mga kandidato at mga supporters sa kulay ng kanilang mga suot na T-shirts. May pula, dilaw at iba pa.










