banner

Manananggal, pugot, zombies, atbp sa isang panulukan sa Bataan

Written by
  • Ernie E.
  • 9 years ago

BALANGA City- Maituturing na kauna-unahan at kaisa-isa pa sa Bataan ngayon ang isang Halloween display sa isang panulukan sa isang busy road sa Balanga City na binuksan Biyernes ng gabi.

May kasabihan ang matatanda na sa ilalim ng liwanag ng buwan, paminsan-minsan ay may dumaraang manananggal na sakay ng walis.

Maliwanag ang buwan na tumatanglaw sa madilim na paligid ngunit walang manananggal. Ang manananggal pala kasama ang pugot at ilang zombies ay matatagpuan sa elevated platform sa panulukan ng barangay Bagumbayan sa Balanga City.

Ito ang tema ng disenyo ni Jimmy Mangalindan bilang paggunita sa halloween at undas sa Nobyembre 1.

“Ginawa natin ito bilang isang tradisyon sapagka’t halloween na naman at upang maalaala natin ang mga mahal sa buhay na namayapa,” paliwanag ni Mangalindan, isang local radio reporter.

Gawa umano sa mga recycled materials at mga siit, kahoy, damit at diyaryo ang kanyang display. “Ito’y nakakatulong sa kalikasan at kinatutuwaan ng mga bata at matanda,” dagdag pa nito.

Photo Source: http://cityofbalanga.gov.ph

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares