Modernong silid-aklatan, binuksan sa Balanga City
BALANGA CITY – Binuksan na kamakailan ng pamahalaang lungsod ng Balanga ang bago nitong City Library na sadyang itinayo malapit sa mga commercial mall upang mahimok ang mga bata pabalik sa pagbabasa.
Ang tatlong palapag, na may 300 metro kwadradong library na binuo bilang bahagi ng city hall ay napaliligiran ang gusali ng mga pangunahing shopping center sa lalawigan gaya ng Center Plaza Mall, Galeria Victoria, Ocampo’s Mall, at ang bubuksang Plaza de San Jose Building.









