banner

Modernong silid-aklatan, binuksan sa Balanga City

Written by
  • Ronald F. S.
  • 9 years ago

 “Mahilig ang mga bata na magpunta sa mall at kapag malayo ang library, hindi nila ito uunahin. Ito (paglalapit ng library) ay isang paraan para mabalanse ang study habit ng bata,” ani city administrator Rudy De Mesa.

Ang  paggamit ng silid aklatan at  ng mga laptop na may internet ay libre at mayroon ding student conference room na magagamit ng mga mag-aaral sa kanilang pagpupulong.

 Ang gusali na dinisenyo at nilagyan ng mga dibisyon para sa mga bata, elementarya, high school, at kolehiyo na may angkop na mga gadget, babasahin, at kagamitan.

Dagdag ni  De Mesa,  pinaplano ng pamahalaang lungsod na gawing student lounge na may cafeteria o coffee shop ang ikatlong palapag ng gusali o ang roof deck.

“Pinag-iisipan namin na gawin itong student lounge para kapag gusto nang huminga ng mga bata sa pag-aaral o pagbabasa, pupunta sila doon para mag-relax,” aniya.

See full gallery of the opening here: Switch-on & Blessing: Christmas Lights, Fountain & City Library

Article Tags:
·
Article Categories:
Tourism

Comments are closed.

Shares