Ani ng kape, apektado ng global warming: DTI-Bataan sumaklolo sa coffee farmers
BALANGA CITY, Bataan — Aminado ang Department of Trade and Industry (DTI) na naapektuhan ng climate change o sobrang init ng panahon ang kalidad ng kape at dami ng produksyon ng mga magkakape sa upland barangay ng Tala sa bayan ng Orani na itinuturing na pinakamalaking coffee producing hub sa lalawigan.

















