Bilang tugon sa problema ng mga magsasaka dahil sa pagbagsak ng presyo ng palay, may alternatibong programa ang Office of the Provincial Agriculturist sa pangunguna ni Engr. Johanna R. Dizon na kung tawagin ay Rice Competitive Enhancement Program (RCEP) na pinopondohan ng national government.
Sa ilalim ng nasabing programa, ang mga magsasaka ay magtatanim ng iba’t ibang klase ng sibuyas sa 24 na ektarya ng lupa sa buong lalawigan. Sa kasalukuyan ay dalawang ektarya pa lamang ang natatamnan.
Gaya ng palay, halos apat na buwan ding aalagaan ang sibuyas at sa darating na buwan ng Disyembre, kailangang maitanim na ang lahat ng mga binhi sa 22 ektaryang lupain.