EducationNews

3 kurso sa skills training ng TESDA, alok ni Rep. Roman sa mga taga Bataan 1st District

0

Gusto mo bang matutong mag-welding, mag-bake ng masasarap na cake at cookies, o kaya naman ay magluto ng masasarap na pagkain?
Si Bataan 1st District Representative Geraldine B. Roman na ang bahala sa’yo!

Ito ay dahil sa kanyang magandang balita sa pagbubukas ng tatlong available courses mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa ilalim ng Special Training for Employment Program o STEP.
“Pwede na po kayong mag-register at magpasa ng inyong updated resume! Limited slots lang po at para lamang sa mga taga-Unang Distrito ng Bataan!,” pahayag ni Congresswoman Roman sa kanyang Facebook Page.

Ang mga kursong available ay ang Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NCI, Bread and Pastry Production NCII at Cookery NCII. Para sa mga inquiries o katanungan ay dapat kontakin si Miss Jecar Ramos sa kanyang mobile number na 0930-482-1511.
Ang STEP ay isang programa ng TESDA para sa mga nagnanais na magkaroon ng skills na magagamit sa pagnenegosyo o sariling hanapbuhay.

Subic Freeport to receive PAL flights with returning OFWs

Previous article

LGBTQ community sa Hermosa, tumanggap ng ayuda

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in Education