banner

35 baka, 5 kalabaw ipinamahagi sa Abucay

Written by
  • Greg R.
  • 1 year ago

Namigay noong Huwebes ng 35 baka at 5 kalabaw ang Provincial Veterinary Office sa Abucay, bilang ayuda sa mga magsasaka na labis na naapektuhan ng pandemya.

Sinabi ni Kon. Jayson Mercado, pinuno ng komite ng agrikultura sa Sangguniang Bayan ng Abucay, na lahat ng barangay sa bayan nila ay magkakaroon ng ayudang hayop na magagamit sa pagsasaka.
“Malaking bagay ito para sa ating mga magsasaka upang kahit paano ay makabangon sila sa panahon ng pandemya,” paliwanag ni Kon. Mercado.

Ang bayan ng Abucay ay isa lamang sa mga bayan na tumanggap ng libreng hayop mula sa Provincial Veterinary Office bilang bahagi ng pambansa at panlalawigang programa para sa mga magsasaka sa buong bansa.

Article Tags:
·
Article Categories:
Agriculture

Leave a Reply

Shares