Dito lamang marahil sa bayan ng Dinalupihan, sa buong lalawigan ng Bataan, kung saan ang lahat ng mga tahanan ay tumanggap ng Pamaskong Handog mula sa LGU na may kabuuang bilang na 34k, ito ang malinaw na sinabi ni Mayor Tong Santos sa panayam ng Media.
Paliwanag pa ni Mayor Santos na noon ang pamimigay umano nila ay sektoral, ibig sabihin kabilang ka sa grupo ng mga Senior Citizens, solo parent, mga kabataan, transport group at iba, bago ka umano mapasama sa mga tatanggap.
Ang ginawa umano nila ngayon ayon kay Mayor Tong, kada pupuntahan nilang barangay para sa Pamaskong Handog, sinisiguro nilang lahat ay mabibigyan o makakatanggap, mayaman o mahirap, kalaban o kakampi, walang pipilitin, lahat ay makakatanggap.
Ginawa umano nila ito ayon pa kay Mayor Santos, hindi lamang dahil ang diwa ng Pasko ay pagmamahalan, pagtutulungan at pagbibigayan kundi lahat ay pantay- pantay para walang magrereklamo na hindi sila nakatanggap.
Kung kaya’t gayon na lamang ang tuwa ng mga Dinalupihenos dahil mayroon na silang Pamaskong Handog mula sa kanilang LGU ay makatatanggap pa rin sila mula sa Provincial Government of Bataan.