News

45 magsing-irog sabay-sabay na ikinasal

0

“Hindi mapipigilan ng pandemya ang pagmamahalan at ang kalayaan na umibig.”
Ito ang pahayag ni Samal Mayor Aida Macalinao sa kanyang pangunguna sa pag-iisang dibdib ng apatnapu’t-limang (45) pares na nagsumpaan ng kanilang wagas na pagmamahalan sa isa’t-isa nitong Martes ng umaga sa bayan ng Samal.

Sa pangunguna ng tanggapan ng Local Civil Registry ay naisagawa at naging matagumpay ang Kasalang Bayan 2021 sa naturang bayan kasabay ng pagdiriwang ng ika-58 kaarawan ni “Yorme Aida.”
Nagsilbing major sponsors sina Congresswoman Geraldine Roman at Governor Abet Garcia, na kinatawan ni Ms. Michelle Caraig.

“Ating ipinaalala sa ating mga kinasal na ang pag-ibig na nagmumula sa ating Panginoon ang pinaka-best na halimbawa upang makayanan ang lahat ng magiging hamon patungo sa pagmamahalang hanggang dulo,” payo pa ng Alkalde.
Dagdag pa ni Mayor Macalinao, hindi na umano isinagawa sa naturang okasyon ang tradisyunal na “unang halik bilang mag-asawa”, “pag-inom ng wine” at “ang subuan ng cake” upang maiwasan aniya na hubarin pa ang mga suot nilang face masks at face shields bilang pagsunod sa minimum health protocols ng Kagawaran ng Kalusugan.
Personal na namahagi ng mga regalo at cash gifts sina Congresswoman Roman, Mayor Aida at kinatawan ng Gobernador sa mga ikinasal matapos ang pormal na seremonya.

Bataan conducts vaccine simulation for healthcare workers

Previous article

Balanseng pag unlad para sa 57 katutubo

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News