banner

50 miyembro ng LGBT tumanggap ng ayuda

Written by
  • Zeny S.
  • 5 months ago

Sa muling pagsailalim ng Bataan sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ, matinding tinamaan nito ang mga negosyo at mga manggagawa, kabilang na rito ang mga kababayan nating kabilang sa sektor ng LGBT na nagtatrabaho sa mga spa, parlor at salon.

Sa panayam sa ilang myiembro ng LGBT, sinabi nilang napilitang magsara ang kanilang mga shop sa dahilang walang pumapasok na mga customers dahil bawal, kung kaya’t talagang hirap umano sila na kumita sa ngayon.

Subali’t hindi pinabayaan ng Pamahalaang Bayan ng Samal ang kanilang sektor, kung saan sa pamumuno ni Mayor Aida Macalinao ay pinagkalooban ang may 50 miyembro ng nasabing sektor sa kanilang bayan ng tig10k sa ilalim ng programang Sustainable Livehood Program (SLP), upang matulungan sila na maibangon muli ang kanilang mga kabuhayan.

Gayon na lamang ang tuwa ng grupo na ayon pa sa isang nagngangalang “Marga” ay nagpapasalamat sila kay Mayor Aida dahil nauunawaan nito ang kanilang pinagdaraanan bilang isa ring miyembro ng LGBT.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares