News

7K FAB workers tumanggap na ng ayuda

0

HUMIGIT-kumulang nasa 7,000 manggagawa sa Freeport Area of Bataan ang tumanggap na ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ikalawang yugto ng bigayan.

Sinabi ni Hazel Keith, information officer ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB), na ang mga manggagawa na kabilang sa mga qualified recipients ayon sa listahan ng DSWD ay tumanggap ng P3,000 bawat isa.

Ang programang ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pamunuan ng AFAB, Bataan Gov. Albert Garcia, Congressman Jose Enrique Garcia III at ng opisina ni Sen. Bong Go. Unang naipamahagi ang ayuda sa may 4,000 mangagawa nang bumisita ang naturang senador sa Mariveles para sa groundbreaking ng ika-112 Malasakit Center sa compound ng Mariveles Mental Wellness General Hospital kamakailan.

Nasa mahigit 5,000 manggagawa sa FAB ang naapektuhan ng pandemya. Karamihan sa kanila ay natanggal sa trabaho at ang iba naman ay naghihintay ng tawag mula sa kumpanyang papasukan.

David, nagpasalamat sa mga Garcia

Previous article

Only AFAB attracts more foreign investments

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News