LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Pinatunayan ni Gob. Abet Garcia na 1Bataan Works dahil ayon sa kanya, nabawasan o halos ay walang oposisyon na lumitaw para mag file ng candidacy para sagkaan ang kanilang malakas na grupo ng lokal na koalisyon.
Sa kanyang pakikipagpulong sa mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, isang araw bago sila mag file ng Certificate of Candidacy (CoC), ipinaliwanag ni Gob. Abet na marami umano silang kinausap na mga posibleng katunggali para umano mabawasan ang pulitika na dagdag pa niya,”less politics more for the government.”
Sinabi pa ng gobernador na kinausap niya kahit pa mga katunggali nila na baka sakaling may puwang pa na magkaroon ng 1Bataan at win- win solution.
Habol umano niya sa pakikipag usap sa mga katunggali, na tumibay ang grupo, ang lokal na koalisyon para sa tuluy-tuloy na agenda for the development and prosperity of Bataan.
Sa kanyang katayuan bilang gobernador ay humingi ng paumanhin ang magiting na pinuno sa grupo,”pasensya na, kung minsan kailangan nating magbigay dahil ang iniisip ko ay for the greater good ng samahan”
Ipinaliwanag din ni Gob. Abet ang kahalagahan ng systematic and scientific survey na kanila umanong ginamit upang maipaliwanag sa kung sino ang dapat na ipanlaban o iharap laban sa mga kasalukuyang nanunungkulan na makakatunggali ng grupo.
Nilinaw din ng Gobernador ang isyu sa bawat bayan kung sino ang makakasama nila sa koalisyon gayundin sa mga papasok na mga bagong bokal o board members ng una at ikalawang distrito.
Natutuwa umano siya na marami sa kanilang mga kinausap na makakatunggali lalo na ng ilang oposisyon na nabawasan umano ang tension at na- appreciate ang usapan, na ayon pa sa kanya ay maaaring maging simula ng unification.