Sa pangunguna ng Dept. of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang PESO ng Hermosa ay matagumpay na naisagawa ang SPES Orientation para sa 96 na estudyanteng benepisyaryo ng nasabing programa.
Ayon kay Mayor Anne Inton at PESO Manager Ms. Ofelia Datu, layon ng nasabing orientation na ihanda at gabayan ang mga estudyanteng kalahok sa kanilang tungkulin sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students (SPES) bilang suporta sa kanilang pag-aaral at personal pag-unlad.
Sinabi din ni Mayor Inton na 40% ng sweldo ng mga kalahok ay manggagaling sa DOLE samantalang ang 60% ay magmumula sa LGU. Sa ganitong pamamaraan ang mga estudyante ay makaiipon para sa kanilang tuition fee at iba pang pangangailangan sa pag-aaral at pwede din nilang ipangtulong sa pangangailangan ng kanilang pamilya.