PUROkalusugan, inilunsad sa Pilar

PUROkalusugan, inilunsad sa Pilar

Inilunsad nitong unang linggo ng Abril ang programang  PUROkalusugan sa bayan ng Pilar, isang serbisyong  pangkalusugan  na abot-kamay para sa mas malusog at mas matibay na komunidad.

Ayon kay Mayor Charlie Pizarro, inilunsad nila ang programang ito , para makatanggap nang sapat na serbisyong medikal at makaiwas sa mga sakit ang kanyang mga kababayan.

Hatid ng programang PUROkalusugan ang mga serbisyong medikal tulad ng libreng check-up para sa lahat, matanda at bata, libreng bakuna para sa mga sanggol, libreng gamot, vitamins at deworming lalo na sa mga bata, libreng monitoring ng blood pressure at blood sugar at marami pang iba.|

Leave a comment