Pinangunahan ni Mayor AJ Concepcion para sa Yunit Pamahalaang Lokal ng Mariveles at mga kinatawan ng Aboitiz Power Corporation (GMEC at GNPD) sa pangunguna ni G. Joseph Paulo Mendoza at iba pang opisyal ang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) para sa implementasyon ng Disaster Response Training para sa mga kabataan gayundin ang pagsasagawa ng Coastal Clean-up.
Sinabi ng dalawang panig na layunin ng nasabing ugnayan (MOA) na palakasin ang kaalaman at kahandaan ng mga kabataan sa oras ng sakuna, at pagsusulong ng pangangalaga sa kanilang baybaying-dagat.
Lubos ang pasasalamat ni Mayor AJ Concepcion sa Aboitiz Power Corporation (GMEC at GNPD) sa patuloy na pakikipagtulungan at suporta ng mga ito sa kanilang mga programa na naglalayong paigtingin ang kahandaan sa pagdating ng kalamidad at pangangalaga sa kalikasan lalo na ang baybaying -dagat.