BALANGA CITY – Limang araw na lamang bago ang eleksyon ay nagpahayag ng kahandaan ang Bataan Police Provincial Office, Commission on Elections, at iba pang concerned agencies sa isinagawang news briefing sa Camp Cirilo Tolentino sa lungsod na ito.
Ayon kay Bataan PNP provincial director, Police Colonel Villamor Tuliao, sapat aniya ang kanyang mga naka-deploy na mga tauhan sa pagbabantay sa eleksyon sa Mayo a trese.
Sa panig ng Comelec ay “all systems go na” ayon kay Bataan Provincial Election Supervisor Rene Cruz sa lahat aniya ng dapat na daanang proseso ng kanyang mga election officers at mga board of election inspectors, at sa pagsasaayos ng seguridad sa mga election equipments at paraphernalia na idineliver sa mga munisipyo sa bawat bayan at lungsod.
Sa power supply ay kapwa inanunsiyo ng Penelco at NGCP officials ang kanilang kahandaan sa sapat na suplay ng kuryente sa araw ng halalan pati na sa oras ng bilangan hanggang sa maiproklama na anila ang mga nanalong kandidato.