Pinasalamatan ng mga tricycle drivers sina Bataan Governor Albert Garcia, Congressman Joet Garcia at City Mayor Francis Garcia sa pagpapagawa ng terminal sa may bahagi ng Bo. Campo Barangay Tenejero, Balanga City.
Ayon kay G. Melanio Nool, isang tricycle driver sa tagal nilang pamamasada ngayon lang sila nakaranas ng kaginhawahan lalo na sa panahon ng tag-ulan dahil sa ipinatayong terminal ng pamahalaan. Kaya napakalaking tulong para sa kanila ang nasabing terminal.
Idinagdag pa na ang terminal ay mayroong sariling palikuran (panlalake at pambabae) at television kaya pwede silang makapanood at makapagpahinga umulan man o umaraw.