COVID-UPDATE: SEPTEMBER 2, 2020

COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO kahapon, ikalawang araw ng Setyembre, umabot na po sa 972 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, siyam (9) ang mga bagong nakarecover at 291 ang nagnegatibo ang resulta ng test.

Lumabas sa contact tracing na labing lima (15) sa mga confirmed cases ay close contacts ng mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19. Sila ay ang mga sumusunod:
– Isang 53 taong gulang na lalaki mula sa Samal
– Isang 55 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 25 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 23 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 20 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 10 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 44 na taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 26 na taong gulang na lalaking APOR mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 26 na taong gulang na lalaki mula sa Hermosa
– Isang 55 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 24 na taong gulang na babaeng health worker mula sa Mariveles
– Isang 28 taong gulang na babaeng health worker mula sa Mariveles
– Isang 12 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 29 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 31 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles

Ang iba pang kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
– Isang 33 taong gulang na lalaking OFW mula sa Pilar
– Isang 26 na taong gulang na lalaking OFW mula sa Limay
– Isang 35 taong gulang na lalaking OFW mula sa Limay
– Isang 18 taong gulang na babae mula sa Limay
– Isang 22 taong gulang na lalaking APOR mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 32 taong gulang na lalaking health worker mula sa Hermosa
– Isang 20 taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
– Isang 39 na taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
– Isang 37 taong gulang na babae mula sa Mariveles

Sa kabuuan, umabot na po sa 568 ang bilang ng nakarecover na. Ang mga bagong nakarecover ay ang mga sumusunod:
– Isang 48 taong gulang na lalaki mula sa Limay
– Isang 11 taong gulang na lalaki mula sa Abucay
– Isang 8 na taong gulang na babae mula sa Abucay
– Isang 54 na taong gulang na lalaki mula sa Abucay
– Isang 39 na taong gulang na babae mula sa Abucay
– Isang 13 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 17 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 52 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 47 taong gulang na lalaki mula sa Orani

Labing siyam (19) na po ang bilang ng mga pumanaw. Ang dalawang bagong kaso ng pumanaw ay ang 69 na taong gulang na lalaki mula sa Pilar at ang 55 taong gulang na lalaki mula sa Hermosa. Ang bilang ng active cases ay 385; nasa 160 ang naghihintay ng resulta ng test; 12,796 ang nagnegatibo na at 324 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 13,928 na po ang natest sa ating Lalawigan.

Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/…/daa2c0d5…/page/90hMB

Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na dalawang (2) metro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.
#1Bataan ☝️

Leave a comment