Kaugnay sa temang “Bahay ni Impo Halloween goes to Disneyland”, dumating si Cong. Gila Garcia sa trick or treat event na naka- costume bilang si Ariel sa pelikulang the Little Mermaid at ang kanyang chief of staff, si Rolly Rojas bilang si Nemo.
Ayon kay Cong. Gila, ang ganitong pagdiriwang ay ginaganap nila sa bayan ng Dinalupihan taun-taon para bigyang saya ang mga bata na makapagsuot ng costume sa kanilang halloween trick or treat; na sa ngayon ay lalo umanong, pinalaki, pinasaya at pinaganda.
Nagpasalamat si Mayor Tong Santos sa lahat ng mga sumuporta sa matagumpay na pagdiriwang;