Balik-tanaw sa kasaysayan ng Flaming Sword

Balik-tanaw sa kasaysayan ng Flaming Sword

Maraming gawain ang ihinahanda ng bayan ng Pilar para sa padating na pagdiriwang ng Kasinagan Festival 2025.Kakaiba ang ginawa ng grupo ng Circa 1985, kung saan ay nagbalik-tanaw sila sa kasaysayan ng Flaming Sword na naitayo sa kanilang bayan noomng 1967.

Ayon sa grupo ng Circa 1985, noong sila ay mga boy scouts pa kasama ang iba pang grupo ay bumisita sila sa nasabing landmark para ito ay linisin at pinturahan para magandang tingnan, dahil marami umanong nagpapakuha ng larawan sa nasabing monumento.

Ang monumento na nakatayo sa harap ng munisipyo ng bayan ng Pilar ay nakapwesto sa tila intersection ng magkahanay na daan kung saan ito ang naging converging point ng mga sundalo noong Death March na galing ng Bagac at Mariveles.

Ang landmark na ito ay tahimik na paalala upang patuloy na parangalan ang mga taong nagsakripisyo at nagbigay ng kanilang buhay noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, para sa ating kalayaan.

Leave a comment