Nakatakda nang baguhin ang Tricycle Matrix o taripa ng pasahe sa mga tricycle, na nakapaloob sa Municipal Ordinance no. 06 Series of 2021, matapos na talakayin ito ng Komite sa Transportasyon, Sangguniang Bayan ng Orani na pinamumunuan ni Konsehal Marvin dela Cruz..
Kaugnay nito ay nakipagpulong din si Mayor Jon Arizapa sa mga kinatawan at opisyal ng Tricycle Association na pinamumunuan ng kanilang Pangulo Rofolfo C. Agustin.
Ayon kay Mayor Arizapa kailangang timbangin ang halaga ng pasahe na dapat singilin sa mga tao sa hirap nang buhay sa ngayon, sa laging pagtaas ng presyo ng langis, sa hirap na dinaranas ng mga tricycle drivers at iba pang kadahilanan na mauunawaan ng mga mamamayan.