Muling itinampok ang mga kabataan sa isinagawang Bisita Bayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan sa bayan ng Pilar noong Miyerkoles, ika-22 ng Oktubre.
Sila ang nanguna sa seremonya sa pagbibigay pugay sa bandila bilang bahagi ng programang naglalayong palakasin ang ugnayan ng probinsya sa mga lokal na pamahalaan.
Ayon kay Bataan Governor Joet Garcia, tinalakay sa naturang programa ang mga patuloy na isinusulong na proyekto ng lalawigan tulad ng Iskolar ng Bataan, Health Promotion Board, Bataan Healthy School Setting, Tobacco-Free Generation, at Hataw Takbo Bataan. Binisita rin ang Learning Hub ng Pilar na may mahigit 20 MacBook na libre para sa paggamit ng mga kabataan.
Sa ginanap na open forum, tinalakay ang mga isyung kinakaharap ng kabataan kabilang ang HIV awareness, mental health, at pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy.
Dumalo rin sa nasabing programa sina Vice Gov. Cris Garcia, Mayor Charlie Pizarro, Vice Mayor Cess Garcia, SK Federation President Stephanie Kayle Lulu, at iba pang opisyal mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.