Oplan UNDAS 2025 Isa bayan ng Morong

Ang Pamahalaang Bayan ng Morong sa pamumuno nina Mayor Leila Muñoz at Vice Mayor Chermaine Garcia-Sibug ay nagpaalala sa kanilang mga kababayan sa darating na Undas at binigyan pa ng kahulugan ang bawat letra ng salitang UNDAS.

 

U– Umiwas sa kalat at sunog, magdala ng sariling plastic trash bags at huwag magsindi ng kandila malapit sa mga tuyong damo.

N– Nakaalerto sa paligid, bantayan ang mga bata at matanda, makipagtulungan sa mga pulis, marshalls at mdrrmo personnel

D– Disiplinado sa trapiko at lugar, sumunod sa traffic advisory, bawal ang malakas na sounds, alak at pagsusugal.

A– Alaga sa kalusugan- magdala ng sariling tubig na iinumin, payong, pamaypay

S– Sundin ang lahat ng tagubilin ng mga awtoridad, gayundin panalangin at respeto sa mga yumao nating mahal sa buhay

 

Ang lahat nang ito, ayon kay Mayor Leila Muñoz ay paalala sa ating mga kababayan upang ang pagpunta nila sa sementeryo ay maging maayos, ligtas at maliwalas.

Leave a comment