Brgy. Bilolo nagdaos ng 2nd Semester Barangay Assembly

Sumentro sa pagiging DILG Bataan Provincial Showcase Barangay ng Brgy. Bilolo, Orion sa nakaraang 2nd Semester Barangay Assembly na ginanap sa barangay covered court nitong ika-26 ng Oktubre.

 

Pinangunahan ni Punong Barangay Corazon Ramirez ang barangay best practices, accomplishments, financial matters at mga plano kung saan ipinakikita ang DILG THRUST tulad ng transparency, accountability at participatory governance.

 

Matapos ang ulat ng Sangguniag Kabataan ng kanilang accomplishments ay nagbigay naman ng kanyang State of the Barangay Address si PB Corazon Ramirez.

 

Ilan sa mga highlights ng nasabing programa ay ang pagbibigay ng mga certificate of cooperation sa mga natatanging opisyal ng barangay at mga mamamayan gayundin ang open forum kung saan ay aktibong nakilahok ang mga mamamayan.

 

Dumalo sa nasabing pagtitipon sina Vice Mayor Rex Fuster at mga kaanib ng Sangguniang Bayan.

Leave a comment