Isang makahulugang gabi ng pagkilala at inspirasyon ang idinaos sa Barangay Mt. View sa bayan ng Mariveles, Bataan sa ginanap na Gawad Parangal 2026, bilang pagpupugay sa mga indibidwal at organisasyong nagpakita ng dedikasyon at malasakit para sa patuloy na pag-unlad ng komunidad.
Pinuri ni Mayor AJ Concepcion ang pamunuan ng barangay sa pangunguna ni Amorsolo Santos dahil sa kanilang sipag at taos-pusong paglilingkod na nagsisilbing matibay na pundasyon ng isang mas maunlad at matatag na Barangay Mt. View.
Nagpaabot din ng pagbati ang alkalde sa lahat ng mga pinarangalan, kasabay ng panawagang ipagpatuloy ang pagiging inspirasyon sa kapwa Mariveleño at pagpapaigting ng pagkakaisa para sa mas maayos at progresibong komunidad.