Hermosa, pinarangalan sa SubayBAYANI Awards 2025

Hermosa, pinarangalan sa SubayBAYANI Awards 2025

Pinarangalan ang Bayan ng Hermosa sa SubayBAYANI Awards 2025 na ginanap sa The Manila Hotel noong Nobyembre 26 sa Lungsod ng Maynila. Kinilala ang bayan para sa mahusay na pagpapatupad ng mga programa sa imprastruktura, makabuluhang reporma, at pagpapaunlad ng matatag at maunlad na komunidad na naglalayong magbigay ng mas maginhawang pamumuhay sa mga residente.

Ipinahayag ni Hermosa Mayor Anne Inton na ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakamit ng Hermosa ang naturang parangal sa buong lalawigan ng Bataan, na naglalagay sa bayan bilang modelo sa epektibong pamamahala at pag-unlad. Binati rin niya si Governor Joet Garcia sa pagtanggap ng kaparehong pagkilala para sa Lalawigan ng Bataan.

Itinuring ng pamahalaang lokal na patunay ang mga natanggap na parangal ng mas pinatibay na pagtutulungan ng mga opisyal at mamamayan sa pagsusulong ng mga programang pang-imprastruktura. Tiniyak ng lokal na pamahalaan na magpapatuloy ang kanilang mga hakbang upang mas mapaunlad pa ang kalidad ng buhay sa Hermosa. 

Leave a comment