Hindi matatawaran ang sigla ng mga batang taga Orani nang buksan ang bagong palaruan sa mismong Plaza ng Orani na handog ni Mayor Jon Arizapa.
Ayon kay Mayor Jon Arizapa, ang nasabing makulay at ligtas na palaruan ay para sa kasiyahan ng mga batang taga Orani, para makalikha umano ito nang masasayang karanasan at masayang alaala na dadalhin ng bawat bata sa kanilang paglaki.
Nagpalagay din si Mayor Jon Arizapa ng mga gamit pang ehersisyo para sa mga nakatatanda para naman sila ay makapag e ehersisyo.
Ang lahat nang ito, ayon pa sa butihing Mayor ay patunay na ang Pamahalaang Bayan ng Orani ay nagsisikap na makapagbigay ng kasiyahan sa lahat.