Tunay ngang ang Pasko ay para sa mga bata dahil ang Pamahalaang Bayan ng Orani sa pamumuno ni Mayor Jon Arizapa ay namigay ng mga laruan sa mga bata.
Kita sa mga ngiti ng bawat batang nakatanggap nang regalo mula kay Santa ang saya, na di pa man dumarating ang talagang araw ng Pasko ay nakatanggap na sila ng regalo.
Ayon kay Mayor Jon Arizapa, tunay na nakatataba ng puso, na makita ang mga bata na masaya sa mumunting regalo, na nakakapagpabalik sa kanyang alaala noong siya ay bata pa na nangarap ding makatanggap nang regalo mula kay Santa.
Nagpasalamat din si Mayor Jon Arizapa sa Jojit’s Bibingka at Puto Bumbong, na nakatuwang ng Yunit Pamahalaang Lokal ng Orani sa pamamahagi ng mga laruan.