Pinarangalan ng Lokal na Pamahalaan ng Mariveles ang Bataan Baseco Joint Venture Inc. (BBJVI) ng “Kalinga” Corporate Social Responsibility Award sa ilalim ng Development Hub category sa ginanap na Stakeholders Recognition kaugnay ng ika-81 Landing Anniversary. Idinaos ang seremonya nitong Hueves sa Convention Hall ng GICC Technopark sa Freeport Area of Bataan.
Tinanggap ang parangal sa ngalan ng BBJVI, nina Kate M. Canlas, Executive Assistant to the Vice President for Operations, at Jicelyn O. Batomalaque, Administrative Assistant ng kumpanya. Ayon sa organisasyon, malaking karangalan ang pagkilalang ito mula sa LGU Mariveles bilang patunay ng kanilang patuloy na pakikipagtulungan sa komunidad.
Nagpasalamat ang BBJVI sa lokal na pamahalaan sa ibinigay na pagkilala at iginiit na magsisilbi itong inspirasyon upang lalo pang palakasin ang kanilang mga programa at inisyatiba para sa kaunlaran ng komunidad at mas makabuluhang ugnayan sa iba’t ibang stakeholder.