Kasalang Bayan 2026, gaganapin sa Bayan ng Hermosa

Inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng Hermosa ang mga magkasintahang nagnanais magpakasal na lumahok sa gaganaping Kasalang Bayan 2026 sa Mayo 8, 2026.

 

Ayon sa paanyaya ng LGU-Hermosa, maaaring makipag-ugnayan ang mga interesadong aplikante sa Office of the Civil Registrar sa numerong 047-300-6500 Local 1003 para sa karagdagang detalye at paglilinaw.

 

Kabilang sa mga kinakailangan sa pagkuha ng lisensya sa kasal para sa civil wedding na pangungunahan ni Mayor Anne Inton ay ang mga sumusunod: dapat 25 taong gulang pataas ang mga mag-aaplay at residente ng Hermosa ang isa o kapwa aplikante. Kinakailangan ding magsumite ng CENOMAR at Birth Certificate mula sa PSA, pinakahuling cedula, tig-dalawang 2×2 larawan bawat aplikante, at sertipiko ng seminar mula sa POPCOM.

 

Paalala ng Municipal Civil Registrar na ang lisensya sa kasal ay maaaring mailabas makalipas ang sampung araw mula sa pagtanggap ng kumpletong aplikasyon at may bisa lamang ng 120 araw mula sa petsa ng pagkaka-isyu. Ang deadline ng pagsusumite ng mga requirement ay itinakda hanggang Abril 17, 2026 lamang. Bahagi ang programang ito ng patuloy na adbokasiya ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng kampanyang “Sama-Sama sa Paglipad ng Hermosa.”

Leave a comment