Bilang bahagi ng kani-kanilang Corporate Social Responsibility (CSR) initiatives, magkatuwang na ipinamahagi ng PENELCO at Aboitiz Power Corporation ang Batch 10 Solar Street Lights sa ilalim ng Programang TUGON- Solar Spark na ginanap sa Executive Conference room ng bayan ng Mariveles.
Pinangunahan ni Mayor AJ Concepcion kasama sina Director Cecilia Bacsa ng PENELCO at Kinatawan ng Aboitiz Power Corporation, ang nasabing programa na may layuning pailawan ang mga stratehikong daan/lugar sa bayan ng Mariveles para maging ligtas at mapayapa ang sambayanang Mariveleños sa kanilang pag- uwi o gawain sa gabi..
Ayon kay Mayor AJ Concepcion, nagkaroon ng Information, Education at Communication ( IEC) campaign para gabayan ang lahat sa benepisyo at pangangalaga ng mga solar street lights. Sinabi din ni Mayor Concepcion na malaking tulong ang mga ganitong programa para mapanatiling ligtas at maayos ang mga komunidad sa bayan ng Mariveles