Binisita na ng DPWH ang Orani Channel

Binisita na ng DPWH ang Orani Channel

Upang maiwasan na ang madalas na pagbaha sa mga bayan ng Hermosa at Orani, plano ng Department of Public Works and Highways First District na palalimin ang Orani Channel na siyang pangunahing daluyan ng tubig-baha.

Ang pagbisita ay pinangunahan Engr. Ricky Herrera, acting provincial engineer, kasama ang mga pinuno ng Regional  Office at Bataan DPWH upang alamin ang sitwasyon sa Orani at mga karatig na lugar.

Karaniwang nagmumula ang tubig-baha sa mga bayan ng Dinalupihan at Hermosa at tumutuloy sa Orani. Ayon sa mga eksperto, kung malalaliman ang Orani Channel maiiwasan umano ang pagbaha sa mga naturang bayan.

Noong mga nakaraang tag-ulan napansin na nabawasan nang bahagya ang pagbaha sa Dinalupihan at Hermosa.

Sinabi pa ng mga ekperto na magiging mabuti para sa mga mangingisda kung malalaliman ang Orani Channel.

Leave a comment