Nasa 1,427 senior citizens sa Mariveles na nagdiwang ng kanilang kaarawan sa mga buwan ng Enero, Pebrero at Marso ngayong taon ang nakatanggap ng cash gift na nagkakahalaga ng Php 1,600.00.
Ang pamamahagi ng birthday cash gift na ginanap sa Brgy. Cabcaben ay pinangunahan ng Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO), Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) at ng Municipal Treasurer’s Office.
Ayon kay Mayor AJ Concepcion ang programang ito ay isang paraan ng pagkilala at pagpapahalaga ng Pamahalaang Bayan ng Mariveles sa mga nakatatanda.