Kasunduan sa donasyon para sa Hermosa Police Station, nilagdaan

Pormal na nilagdaan ang Deed of Donation sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Hermosa at Philippine National Police (PNP) para sa Hermosa Municipal Police Station sa isang seremonya na ginanap alas-10:00 ng umaga nitong Miyerkoles, Mayo 6, 2025 sa Municipal Hall sa Burgos-Soliman, Hermosa, Bataan.

 

Pinangunahan ito nila Bataan Police Provincial Director Police Col. Marites A. Salvadora at Hermosa Mayor Anne Lorraine Adorable-Inton na nagbigay-diin sa matibay na ugnayan ng lokal na pamahalaan at ng PNP sa paghahatid ng serbisyong publiko.

 

Naging tampok ng seremonya ang opisyal na paglagda sa Deed of Donation. Sa mensahe ni PRO3 Regional Director PBGEN Jess B. Mendez, na kinatawan ni PCOL Roger B. Tomen, binigyang-diin ang pagkakaisa ng dalawang panig upang higit na mapalakas ang kaayusan at seguridad sa komunidad.

 

Nagtapos ang programa sa pagpapalitan ng mga token of appreciation bilang simbolo ng patuloy na kooperasyon at suporta ng pamahalaang bayan ng Hermosa at ng PNP para sa mas maayos na serbisyo sa mamamayan.

Leave a comment