Matagumpay na naisagawa ng tanggapan ni Bataan 2nd District Representative Abet Garcia, katuwang ang Department of Agriculture Region III, ang pamamahagi ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolks Program (PAFFP) sa unang batch ng mga rehistradong magsasaka ng palay, mais at tubo sa distrito.
Sa Balanga, 544 na benepisyaryo ang tumanggap ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng ₱2,325 bawat isa. Nakatanggap din ang 285 benepisyaryo sa Pilar, 274 sa Orion, at 284 sa Limay bilang bahagi ng programa.
Ayon sa tanggapan ni Garcia, layunin ng PAFFP na matulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa gitna ng tumataas na gastusin sa produksyon at operasyon. Magpapatuloy ang pamamahagi ng tulong sa mga susunod na araw upang mas marami pang benepisyaryo sa Bataan ang makinabang sa nasabing programa.