Nanumpa ang mga bagong halal na opisyal ng SAKOMI Federation of Cooperatives sa bayan ng Mariveles na naging hudyat ng panibagong yugto ng pamumuno at paglilingkod para sa samahan.
Pinangunahan ni Gng. Luduvina Banzon, hepe ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO) ang panunumpa na ginanap sa Mariveles Women and MPC building.
Dumalo rin sa nasabing okasyon sina Mayor AJ Concepcion, Vice Mayor Jesse Concepcion at Engr. Rolando Cruz bilang suporta sa patuloy na paglago at pag-unlad ng sektor ng kooperatiba.
Ayon kay Mayor AJ Concepcion inaasahan na magdadala ang bagong hanay ng pamunuan ng mas pinalakas na kooperasyon para sa kapakinabangan ng kanilang samahan.